Bauang La Union- Kalunos lunos ang sinapit ng isang dalaga matapos kunin at kainin ang puso at atay nito.
Nakikilala ang biktimang si Catherine Madriaga 14 anyos residente ng Brgy. Pugo Bauang La Union at kinilala naman ang suspeck na si Rommel Jandoc 29 taong gulang . Nagtamo ang biktima sa likod ng 17 saksak gamit ang karit at mga kagat sa braso.
Ayon sa mga saksi ay di sila agad makalapit dahil sa malaking tao at malakas ang suspect at may dalang armas ito. Napag alaman din na hiwalay na ang suspect sa asawa dahil sa pambobogbog at minsan na rin itong sinaksak ang sarili at nagtangkang magpakamatay.
Nakahanda naman kasuhan ang suspect ng kasong murder dahil sa mga ibedinsyang nakuha at mga saksing nakakita sa ginawang pagpatay sa biktima.