August 4, 2008...12:13 pm

Klase dito’y Baguio, nasuspende dahil walang bagyo

Jump to Comments

BAGUIO CITY – Sinuspende na ang klase sa Elementarya Secondarya ngayong Hapon dahil sa malakas na hangin at ulan na dulot ng southwest moonsoon.

Nagdesisyon si mayor Reinaldo Bautista Jr a kanselahin ang pasok ng mga bata matapos inirekomenda ng mga opisyales ng Department of Education.

Kahit walang signal ng Bagyo pero parang ilog ang daloy ng tubig sa mga kalsada at nababasa ang mga bata dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Samantala, nakabukas pa naman ang mga pangunahing kalsada na papasok at palabas ng Baguio, ngunit nagbabala ang Department of Public Works Highways sa mga motorista dahil sa posibilidad na pagkalaglag ng bato lalo na sa kennon road.

Nakaalerto naman ang City Disaster Coordinating Council para tumulong sa mga maapektuhang sa posibleng disgrasya na dulot ng malakas na ulan at hangin.

Leave a Reply