August 4, 2008...11:55 am

Bagyong Julian, lalo pang lumakas, 4 lalawigan, signal no. 1

Jump to Comments

Lalo pang lumakas ang bagyong Julian ngayong hapon habang kumikilos ng pakanluran sa bilis na 15 km bawat oras.

Ayon kay Nathaniel Cruz, chief ng Pagasa weather branch, huling namataan ang sentro ng bagyo base sa satellite and surface data sa layong 270 km sa hilagang kanluran ng Laoag City at may taglay na hanging 75 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 90 kph.

Sa kasalukuyan ay nakataas na pa rin ang babala ng bagyo sa apat na lalawigan sa hilagang Luzon na kinabibilangan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at La Union.

Bukas ng hapon ang bagyong Julian ay tinatayang nasa 320 km sa kanluran hilagang kanluran ng Laoag City o sa karagatan na ng timog Tsina.

Kaugnay nito, hindi pa rin maaaring maglayag ang anumang sasakyang pandagat sa mga lugar na nasa ilalim ng babala ng bagyo bilang isa.

Leave a Reply