July 31, 2008...4:56 pm

Bagong PDEA Director ng Region-1, pormal ng uupo sa darating na Lunes

Jump to Comments

LA UNION – Tuluyan ng inalis sa pewsto ni PDEA chief Undersecretary Dionisio Santiago si Police Superintendent Jane Andres Aunzon sa pagiging Director ng Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA -REGION 1.

Si Aunzo na ngayon ay nasa PDEA central office ay pinalitan ni Phil. Army Retired Col. Roberto Opeña na pormal ng uupo sa lunes, Augusto 4, 2008 pagkatapos ng gaganaping Turnover Ceremony.

Ang pagkaka- relieve ni Aunzo sa pwesto ay meron pagkakasangkot umano sa isyu na nadiskobre na shabu lab sa Brgy. Bimmotobot, Naguilian La Union na hinihinalang kinabibilangan ng ilang mga opisyal ng pulisya at ng lokal na pamahalaan.

Bukod dito, inaakalang matatapos ni Aunzo ng dalawang taon na palilingkod niya bilang Derictor ng PDEA REGION 1.

Leave a Reply